IBA’T IBANG URI NG KAIBIGAN SA BARKADA


        Sa isang barkada, iba-iba ang personality ng bawat isa. Ito rin ang dahilan kung bakit nagiging masaya at lively ang grupo. That’s why we complied the Top kind of friends in a group. Isa kaba sa mga yan?

Iba't ibang uri ng kaibigan sa barkada

The Chix or Hunk.

Sila yung mga gising nung nagpanabog ang Dyos ng kagandahan. Sabi nga ni Daniel Padilla “nasayo na ang lahat”.  Kung sa lalaki, habulin ng chicks, kung sa babae naman, pangbato sa kalalakihan, mapapalingon ka talaga. Sila kadalasan yung pang-front ng barkada sa bilihan para makadiscount.

The Pong Pagong.

Hindi sila literal na mabagal kumilos, mabagal lang talaga sila magloading. Yung tipong pag may nagjoke, nagtawanan na lahat, pero sya sa isang linggo pa ata makakagets.

The Otaku.

Ito naman ung mga nilamon na ng Anime, yung tipong tahimik lahat, biglang sisigaw ng “Kame… Hame… Ha!!!”.

The OTW.

Sila naman yung sa lakad ng barkada laging late, yung inip na inip na kayo lagi kakahintay sa kanya. Tetext sya ng OTW na pero ang totoo kakabangon palang nyan.

Iba't ibang uri ng kaibigan sa barkada

The Rich Kid.

         Sila yung sinwerte sa pera. Gastos ng gastos, laging nagyaya sa barkada mag mall, magmeryenda, syempre libre naman nya, in short manager ng barkada.

The Famous.

        Sila naman yung tipo ng barkadang lahat na ng pinuntahan nyo may kakilala sya, buong barangay, lalawigan may kumare sya. Sa dami nyang kakilala pwede ng tumakbong Presidente ng Pilipinas!

The Green-minded.

        Ito yung tipong lahat na ng sabihin mo iba na yung meaning sakanya. Simpleng word na ‘masikip’, at ‘pasok na’ aandar na ang pagkaberde nyan. Madalas nahahawa na nya ang buong barkada.

The Shower.

        Ito yung taong paliliguan ka. Yung barkada nyong kwento ng kwento, talsik din naman ng talsik ang laway haha.

friendship

The Rapper.

        Ang pinakamaingay sa lahat. Lagi kayong napapagalitan ng teacher nyo dahil sa bunganga nyang abot hanggang outerspace. Pero hinahanap hanap ng barkada pag wala, dahil madalas sila yung nag papasaya sa lahat.

The Kurips.

        Ang totoo madami naman talaga tong pera, daig nga lang ng balat ng inahing baboy sa kunat. Hinding- hindi mo yan mapapalabas kahit singkong duling. Madalas sila yuing buraot, hindi bibili pero pa tumabi sayo simot sarap ang pagkain mo.

The Wall.

        Sila yung FLAT LAHAT! Walang pagsabitan bes. Kagat lang talaga ng langgam….. Peace.

Salamat sa pagbabasa.

(Visited 25 times, 1 visits today)