Top 10 Banat sa Mga Plastic


Top 10 Banat sa Mga Plastic

Nakakalungkot talagang isipin minsan na kung sino pa yung mga itinuturing natin na kaibigan, sila pa pala yung hindi natin mapagkakatiwalaan. Akala natin, sobrang bait nila sa atin, yun pala may balak ng hindi maganda. Minsan, we tell them things na para sa atin ay sobrang private at gusto natin na ishare sa mga firends natin. Mama – malayan na lang natin, ang dami na palang ibang taong nakakaalam. Bakit nga kaya ang daming tao ngayon na, ang hirap ng pakisamahan.

 

Top 10 Banat sa Mga Plastic

Diba sabi nila ang tao gawa sa putik. Bakit ikaw gawa ka sa plastic!

Bakit nga ba ang daming tao sa panahon natin ngayon na magagaling na sa pakikipag – plastikan. Wala na silang pakialam kung meron man silang masaktan. Ang importante sa kanila, masira nila ang reputasyon nung taong kinaiinisan nila. At kung sobrang gullible kang tao, madali ka nilang mapapaniwala.

Top 10 Banat sa Mga Plastic

Hay kung pwedi lang talagang itapon ang mga kaibigan sa dagat. di sana matagal ko ng ginawa para lumutang kung sino talaga ang mga plastic.

Minsan mahirap na talaga magtiwala. Kahit yung mga taong itinuturing natin na pinaka close natin at bestfriend pa nga kung tawagin natin sila, sila pa pala yung nakikipagplastikan sana atin. Sana talaga merong paraan para malaman mo agad kung sino ba talaga sa mga kaibigan natin ang mapag – kakatiwalaan.

Top 10 Banat sa Mga Plastic

Tandaan mo ang Insecurity at plastic ay magkapatid.

Iwasan natin minsan ang pagiging insecure, nakaka –stress lang yan. Saka tandaan nyo, kung masyado tayong insecure sa ibang tao, di natin maiiwasan ang manlait sa kapwa. Kaya nga magkapatid ang insecuricty at plastic e. Dun kasi nag – uumpisa yan sa insecurity. Once na ma – insecure tayo sa isang tao, diyan na mag – uumpisa yung makikipagplastikan na tayo sa kanila. Kaya iwas – iwas din.

Top 10 Banat sa Mga Plastic

Tandaan mo ang Insecurity at plastic ay magkapatid.

Iwasan natin minsan ang pagiging insecure, nakaka –stress lang yan. Saka tandaan nyo, kung masyado tayong insecure sa ibang tao, di natin maiiwasan ang manlait sa kapwa. Kaya nga magkapatid ang insecuricty at plastic e. Dun kasi nag – uumpisa yan sa insecurity. Once na ma – insecure tayo sa isang tao, diyan na mag – uumpisa yung makikipagplastikan na tayo sa kanila. Kaya iwas – iwas din.

Top 10 Banat sa Mga Plastic

Ang tao raw ay hinulma gamit ang putik. eh naubusan ng putik. ayan tuloy, ang iba gawa sa plastik

Wala naman kasing tao ang magkaka – pareho ang ugali e, may mabait at may mayabang, may tapat at may di mapag kakatiwalaan. Mag –ingat na lang tayo sa kung sino ang dapat nating pakisamahan, di natin alam, baka marami ng nalahian ng ka – plastikan.

Top 10 Banat sa Mga Plastic

Kapag plastic basura agad? diba pweding ikaw muna?

Di naman kasi lahat ng plastic e basura o kaya mga pangk karaniwang gamit, minsan, pati tao plastic na din. Ang bait – bait tuwing kaharap natin sila, pero once na tumalikod tayo, kung anu – ano na ang kinukwento sa ibang tao tungkol sa atin.

Top 10 Banat sa Mga Plastic

You want cash or plastic? ay cash na lang, kasi plastic ka na eh. Oh ito twenty pesos, keep the change.

Ang sarap barahin minsan ng mga taong akala mo mga kung sino, ang gusto e sila palagi ang bida. Sisiraan ka sa iba, at gagawing kawawa ang sarili nila. Kung pwede lang dumukot ng pera at isaksak sa baga nila, ginawa mo na para lang lumayo sila sa inyo.

Top 10 Banat sa Mga Plastic

Alam mo para kang barbie maganda, plastik at walang utak.

Ganyan ka ba ‘te? Aba, magbagu – bago ka na. aanhin mo ang kagandahan mo kung hindi ka naman marunong makitungo ng ayos sa ibang tao? Gamitin mo din minsan ang utak mo, hindi naman yan dekorasyon e. ginawa ang utak para gamitin, hindi para itago sa baul.

Top 10 Banat sa Mga Plastic

Sa lahat ng plastic, pinaka makapal ka.

Tupperware ba ang mga friends mo? Yung tipong lantaran na kung makipagplastikan sa inyo? Mahirap yan, baka kailangan mo ng maghanap ng bagong circle of friends. Minsan kasi mas magandang makipagkaibigan sa taong mapagkakatiwalaan, kaysa sa mga taong, gusto lang sumikat.

Top 10 Banat sa Mga Plastic

Kung di lang makakasama sa kalikasan magsunog ng plastik for sure abo kana.

Siguro lahat tayo, kahit papaano ay nabiktima na din ng mga taong plastik. Kaya naman hindi ko kayo masisisi kung sobra ang galit ninyo sa mga katulad nila. Kung pwede nga lang sunugin na lang sila para mabawasan naman. Pero ganyan talaga, kung sino pa ang mga plastik, sila pa yung hindi marunong mahiya sa mga pinag – gagagawa nila.

Top 10 Banat sa Mga Plastic

Hindi lang mga bampira ang takot sa araw. nandyan din ang mga plastic na takot matunaw.

Matutunaw din naman sila, pero hindi nga lang sa araw. Meron din naman kasing mga plastik na takot mapahiya sa ibang tao. Kaya nga, once na mabisto kung ano ang mga ginagawa nilang kasinungalingan, natutunaw sila sa kahihiyan. Pero payo lang, hindi kailangang ikaw ang gumawa ng paraan para mapahiya sila, huwag mong ibaba ang sarili mo sa level nila.

Thanks For Visiting  angsaya.com Please Like, and Share icon smile Top 10 Funny Banat Quotes

(Visited 406 times, 3 visits today)