TIPS UPANG MAGING MASAYA ULIT


 

May sakit pa rin bang natitira sa puso mo? Yung akala mo kaya mon a pero hindi pa pala.  Sa dami ng araw na dumaan ay hindi mo pa rin siya makalimutan.  Hindi pa rin siya malimut-limutan ng iyong isipan pati na rin ng iyong puso.  Akala mo ay mapuputol na ang sakit kasabay ng pagputol niyo sa inyong relasyon pero hindi pala.  Hindi pala ganun kadaling tapusin ang lahat.  Hindi pala kasabay ng pagtila ng ulan ay pagtila rin ng iyong mga luha. Hindi pala. Hindi pa rin pala. Hindi pa rin nawawala ang sakit na binigay at at patuloy pa ring binibigay ng kahapon.  Hindi pa rin naghihilom ang sugat.  May pagkalito pa rin sa iyong isipan.

Pag nagdesisyon kang iwanan siya isa lang ang sisiguraduhin mo. Ang wag ng magdesisyon pang balikan siya pagkatapos ng desisyon mong iwanan siya.  Kaya dapat sigurado tayo sa mga desisyon natin.  Para ka lang kasing kumain ulit ng mga bagay na naisuka mo na.  Kung alam mong ito ang tamang desisyon para manatili kang buhay at masaya, piliin mong magdesisyon at pagkatapos nito piliin mong matututo.

Move on na tayo mga bes. Huwag ng maging malungkot dahil ang dapat ay sumaya ka. Narito ang ilan sa mga paalala upang mabawasan ang sakit na patuloy na bumabagabag sa iyong puso at isipin sapagkat hindi mo pa siya nakakalimutan.  Mga paalala lamang na baka sakali ay makatulong at makapagpasaya sa iyo.

 

  1. “Alalahanin mo kung bakit mo siya hiniwalayan.”

Kapag inalala mo ang dahilan kung bakit kayo naghiwalay dun mo rin maaalala na tama ang desisyon mong iwan siya. Ang pagalala ng mga bagay na iyon ay magiging dahilan upang magising ka sa matinding pagkalugmok dulot ng paghihiwalay ninyo.  Kalimitan panghihinayang ang dahilan kung bakit ka nalulungkot kalahati lang nito ang pagsisisi.  Mahal mo kaya mahirap at masakit tanggapin na sobra na pala kaya kahit mahal kita tama na.  Hindi natatapos ang buhay mo dahil nagkamali ka ng taong pinagkatiwalaan mo. Pagkatapos mong alalahanin lahat ng sakit dito mo malalaman na tama lang ang nagging desisyon mo. Tamang pinili mo ang desisyon na manatili pang buhay upang maibigay mo pa sa sarili mo ang natitira pang pagmamahal sa puso mo.

  1. “Hindi masamang umiyak, kaya iiyak mo lang.”

Ang mga ala-ala ng kahapon ay magiging dahilan talaga ng madalas na pagtulo ng mga luha.  Masakit tanggapin ang katotohanan na nagkamali ka noon.  Minsan hindi masama ang humanap ng kausap para masabi mo lahat ng mga kailangan mong sabihin. Mayroon kasing mga pagkakataon na kailangan mong masabi at mailabas lahat kasi habang tumatagal mas sumasakit.  Humanap ka ng mapapagkatiwalaang tao na makikinig sa iyo sa lahat ng mga hinaing mo.  Hindi mo kailangan ng iintindi sa iyo sa mga ganyang pagkakataong dahil ang kailangan mo lang ang iyong makikinig sa iyo at magpaparamdam sa iyo na may kasama ka, na kahit anong mangyari hindi ka nagiisa.  Iiyak mo lang hanggang maubos ang luha.  Hindi man maubos ngayon ang mga luha darating ang oras na titigil rin ito sa pagpatak kasabay ng pagtigil ng sakit.

  1. “Isipin at puntahan mo ang mga bagay na nagpapaalala sa iyo sa kanya.”

Bakit kailangang isipin at maalala mo siya ulit?  Ang bagay na ito ay huling pagkakataon mo para isipin ang lahat ng mga masasayang nakaraan niyo. Huling pagkakataon mo na para maalala kung bakit mo siya minahal. Dito mo na talaga mapapatunayan sa sarili mo na hindi mo na siya mahal.  Magiging dahilan man ng saglit na sakit ngunit dito mo magagawa ang desisyon para sa matagal na kasiyahan.  Magdedesisyon ka kung pipiliin mo pa bang bumalik o hindi.  Sa pagkakataong ito malilito ka ngunit isang bagay lamang ang magiging malinaw sa iyong puso’t isipin at ito ay ang kalimutan na ang naging dahilan ng matinding sakit at pighati.

  1. “Wag kang magtanim ng galit datapwat ay magpasalamat.”

Ginawa mo ng magdesisyong kalimutan ang mga nagpapaalala ng sakit. Pinakawalan mo na ang mga bagay na nagiging dahilan ng madalas mong pagkalungkot.  Kasabay ng pagalis ng sakit pasabayin mo na rin ang galit.  Mananatiling nandyan ang sakit kung hindi mo magagawang tanggaling ang galit sa puso mo.  Ang galit lamang ang magpapaalala sa iyo ng mga pagkakamali mo noon.  Linisin mo ang puso at isipan mo upang sa ganun ay lumuwag na rin ang paghinga mo.  Magiging maayos ang simula ng pagmomove on mo dahil sinimulan mo ng malinis makakamove on ka rin ng malinis. Instead ay magpasalamat ka na lang dahil natututo ka.  Hindi naman kasi matututo ang tao hangga’t hindi nasasaktan.  Pagpapasalamat ang maganda mong panatiliin sa iyo.  Ang ibig sabihin lamang nito tanggap mon a at malinaw na sa iyo kung bakti nangyari ang lahat.

  1. “Magadjust sa mga bagay-bagay na nakasanayan noon na kailangan ng baguhin ngayon.”

Mahirap talaga pag nasanay ka na sa isang bagay tapos biglang mababago.  Hindi madaling magadjust pero kakayanin mo kasi natuto ka na.  Hindi mo na kailangan pang magpaapekto pa sa nakaraan dahil parte na ito ng kahapon kaya mag focus ka na lang kung anong meron ngayon.  Kung alam mong magiging maganda pa rin ang maiitulong sa iyo nitong isang bagay na nakasanayan mo hayaan mo lang na maging parte mo pa ito. Hindi naman kailanagan baguhin lahat. Itira mo yung mga bagay na alam mong may mabuting maidudulot sa iyo.

  1. “Ituon mo ang pagmamahal mo sa mga nalimutan mong bigyan nito noon.”

Nakakabulag talaga ang pagmamahal ngunit darating ang panahon na malilinawan ka rin sa lahat.  Ibigay moa ng pagmamahal na nalimutan mong ibigay sa sarili mo noon.  Sa sobrang pagmamahal mo sa kanya hindi mo alam na nauubusan ka na para sa sarili mo.  Mahalin ang sarili dahil sarili mo na lamang ang matitira sa’yo sa huli kapag wala ng sasama sa iyo.

  1. “Gawin mong paala ang past mo para magingat ka sa sunod.”

May ibang tao na pagkatapos gumawa ng pagkakamali ay gagawa na naman ng panibagong pagkakamali.  Hindi ba’t dagdag problema na naman.  Bilang tayo ang gumagawa ng sarili nating mga desisyon matututo tayong magingat na pagkatapos magkamali.  Gawin nating halimbawa ang mga pagkakamali natin noon upang magpaalala sa atin na gumawa na ng tama ngayon.

  1. “Maraming dahilan para maging masaya.”

Maraming dahilan para bumangon, ngumiti at maging masaya. Hindi mo lang ito nakikita dahil pinipili mong tingnan ang mga bagay na alam mong magiging dahilan ng pagkabulag mo. Maging masaya ka dahil nasasaktan ka pa at nabibigyan ng pagkakataong matuto at mabuhay muli.  Darating ang lungkot pero sa dulo nito nandyan lagi ang saya.  Nasa sa iyo ang desisyon kung pipiliin mong maging malungkot na lamang pagkatapos ng isang pagkakamali o tatayo ka at pipiliing hanapin ulit nag saya na kinalimutan mo dahil sa sakit.  Kahit maliliit na bagay ay nagiging dahilan ng saya.  Wag mong hayaang manatiling malungkot ang puso mo. Hawak moa ng susi kung hahayaan mong makapasok muli ang saya sa iyong puso.

 

Thank you for visiting. Wait for more happy reminders for love. Please like us! And don’t forget to Visit Our Facebook Page Angsaya.com and Share! Thank You!

 

(Visited 24 times, 1 visits today)