Tips sa pagpili ng Regalo ngayong Pasko.


 

 

Labing isang araw nalang at Pasko na! Kaliwa’t kanan ang mga Christmas party at celebrations na iyong pupuntahan. May monito monita ka na ba? may panregalo kanaba? O isa ka rin sa liyong liyo na sa pag iisip kung ano ang ireregalo ngayong Pasko? Wag na mag alala tutulungan ka naming makapag isip ng ireregalo mo.

 

Christmas gift

 

Maglista.

Ilista na ang mga reregaluhan ngayong pasko upang mas madali kapag nasa bilihan kana. Ilista kung babae o lalaki, kung bata o matanda, ilista rin ang hilig nito at maaring pwedeng iregalo dito.

Isaalang alang ang budget.

Maghanda ng saktong halaga o budget sa mga ireregalo mo ngayong pasko, upang hindi mabigla sa laki ng magagastos, kung maunti ang budget ay huwag ng magpunta sa mga mamahaling mall. Marami ka ring makikitang magaganda sa mga bilihan na tulad ng Divisoria at Baclaran.

Alamin ang hilig ng iyong reregaluhan.

Alamin natin kung ano ba ang mga gusto nya upang matuwa sya sa ireregalo natin. Hindi ba sya mahilig maglagay ng make-up? E bakit mo sya bibigyan ng lipstick? Mahilig ba syang magluto? Magugustuhan nya ang cook book at mga cooking equipments tulad ng mixer, electric kettle at kahit simpleng mga peeler at drainer. Pagpipili tayo ng ireregalo isipin natin yung taong pagbibigayn natin, pumipili ba tayo para sakanya o baka naman pumipili tayo ng ayon sa sarili natin?

 

Christmas gift

 

 

Maging Praktikal

Sa pag bibigay ng regalo, isipin natin kung magagamit nya ba ito? Mapapakinabangan nya ba ito? Isipin natin kung paano makakatulong sa kanila ang ating ireregalo.  Katulad nalang kung estudyante ay school supplies, tulad ng notebooks at pencil case, kung bata naman pwede ang jacket dahil malamig ang panahon nayon, pwede rin ang tumbler at lunch box. Iwasan na ang pag reregalo ng picture frame dahil siguradong nakatanggap na sila nito ng ilang beses nung mga nakaraang pasko.

Isaalang alang ang Safety ng reregaluhan

Kung magreregalo tayo, lalo na kung mga bata, siguraduhing hindi ito makakasama sa kalusugan. Ayon sa programang “Sakto” ng DZMM,  ibinahagi ni Thony Dizon, chemical safety campaigner ng grupong Ecowaste Coalition, ang ilang gabay sa mabuting pagkilatis sa mga laruang nabibili. Ayon kay Dizon, dapat iwasan natin na bumili ng mga laruang kinulayan ng pinturang may tingga (leaded paint) o yari sa polyvinyl chloride (PVC). Ang lead o tingga ay kemikal na nakalalason sa utak samantalang ang PVC naman ay may halong phthalates, ito ay kemikal na nakakapagdulot ng kanser. Iwasan din natin ang mga gamit na may matatalas na bahagi, maigi na tingnan ang label sa laruan kung anong edad ang angkop na gumamit nito. Wag tayong magpapadala sa murang presyo, kabutihan ng mga bulilit ang ating isaalang alang.

 

Christmas gift

 

Matutong magtanong

Kung talagang nahihirapan sa pamimili,mas mabuting magtanong sa reregaluhan mo, baka may gusto talaga syang makuha ngayong pasko, sa paraang ito makakasigurado ka sa ireregalo mo.

Mga common na regalo, na maaaring iwasan ngayong pasko.

Picture Frame- iwasan na ang pagregalo ng picture frame, mura nga ito pero hindi na uso.

Album- iwasan na din ang pagregalo ng album dahil siguradong nakatanggap na sya nito ng makailang beses ng mga nagdaang pasko.

Handkerchief- kaya rin nyang bumili nyan, gugustuhin nya siguro na makatanggap sa pasko ng iba naman.

Baso- marami na silang baso, nakadisplay lang sa sobrang dami, itatambak din lang yan kung baso din ang ireegalo mo, pumili ka ng alam mong magagamit talaga nya

Kahit ano pa ang iregalo mo ngayong pasko, it’s the thought that counts naman diba. Wala ng mas gaganda pa sa regalong bukal sa iyong puso. Wag nating kalilimutan na ang pasko ay araw ng pagbibigayan, pagmamahalan at pag alala sa ating kapatid na si Hesu Kristo. Merry Christmas!!!

(Visited 42 times, 1 visits today)