Qoutes about Friendship


 

Friendship is one of the reason why we are still alive.  They gave us more reason to laugh and be happy at all times. They share us their stories likewise our stories. Friendship leads to family. Sila ang mga taong magiging kasama mo sa kahit ano pa mang sitwasyon. There are prepared quotes here for you about friendship na talaga naming makakarelate ka.

 

  1. “Truepa sila talaga yung mga tunay kaibigan.”

Totoong mga kaibigan ang ibig sabihin ng salitang truepa. Mga magkakaibigan na kayang intindihin at tanggapin lahat ng sitwasyon at pagkatao ng bawat isa. Sila ay magkakapatid sa puso at isipan. Madalas na laging kasama sa lahat ng bagay. Magkamali ang isa, magtutulungan ang karamihan para maitama ang mali niya. They are all growing together, holistically. Natututo ang sila sa mga pagkakamali ng bawat isa. Iisa lamang ang tibok ng puso nila at totoong tao sa harap ng bawat isa.

  1. “Masaya lang ang tropa kaya mag iinuman tayo.”

Bakit nga ba masama ang tingin ng iba kapag nalaman nilang nagiinom ka? Maaaring hindi pa nila nararanasan ang saya kasama ang mga kaibigan sa inuman.  Huwag nating lahatin. Hindi lahat ng nagiininuman ay masasamang tao at maraming problema. Nasa sa isang samahan ang desisyon kung pipiliin nilang maganda o pangit ang imahe nila sa harap ng iba. Masaya lamang silang magkakasama kaya sila nagiinuman. Pagtanggap at magandang pakikisama ang naguudyok sa kanila na magdiwang at magsaya. Responsable dapat tayo sa lahat ng bagay lalo na sa mga inuman. Kung masaya lang, masaya lang dapat walang bastusan.

  1. “Hindi mo lang sila kaibigan sa inuman, kapatid mo pa na pwede kang damayan.”

Ang isang dahilan kung bakit nananatiling matatatag ang isang samahan ay ang pagpapaalam mo sa kanilang nandyan ka lang lagi sa tabi nila ano mang manyare dahil kapatid mo sila. Kapatid ang turingan kaya kahit sa mga ibang bagay kaya ka nilang samahan at damayan. Hindi lang sila nananatili dahil may kailangan sila sa’yo. Nananatili sila dahil parte ka na ng buhay nila.

  1. “Magkaroon man ng tampuhan pinaguusapan agad para masolusyunan.”

Paano nga ba masosolusyunan ang isang problema kung hindi paguusapan ng maayos? Ang tunay na magkakaibigan hindi hinahayaang lumaki ang isang problema. Dapat ay pinaguusapan at ginagawan ng solusyon dahil problema ng isa, problema na rin nga lahat. Hindi naman sa lahat ng oras ay makakatulong ang lahat kaya’t tulungan rin natin ang sarili natin. Kapag alam nating may problema na wag na muna tayong gumawa ng mga bagay na magiging sanhi ng panibagong problema. Magkakaibigan kayo sa panghabambuhay ngunit hindi sa lahat ng oras ay matutulungan ka nila dahil sa bawat pagdagdag ng edad ay pagdagdag din ng mga tao at prayoridad sa buhay. Ang una at huling tutulong sa atin kapag may problema tayo ay ang sarili lamang natin. Magtutulungan ang magkakaibigan hanggang sa abot ng kanilang makakaya. Nandyan sila para tulungan ka pero hindi lagi kaya nilang hatiin ang oras nila kaya ang pinakamagandang paraan para mabawasan at masolusyunan ang problema sa tropa ay ang pagpigil sa sarili na gumawa ng isa.

  1. May dadagdag lang sa tropa para masaya pero walang aalis dahil lang nagsawa na.”

“The more the merrier”, mas lalong dadagdag ang saya kapag dumadami ang bilang ng tropa. Sino ba naman tayo para hindi tanggapin ang mga taong gusto kang maging kaibigan? Sa kabila ng mga pagdating dapat hindi pa rin natin hinahayaang maging dahilan ito ng pagkasira ng tropa. Pag may dumating may aalis. Hindi sa lahat ng bagay may umaalis ngunit kung may pagkakataon na kailangan ng may umalis, hayaan natin sila kung ito ang makakapagpasaya sa kanila. Mahirap man tanggapin na baka nagsawa na sila sa inyong samahan, pero bakit natin pipilitin ang mga taong ayaw na.

  1. “Tunay na tropa yung kahit magpakalasing ka makakuwe ka ng ligtas sa bahay niyo.”

“Basta may alak may balak”, isang linya ng isang kanta na nagsasabing kapag may alak ay may hindi magandang balak. Hindi lahat ng tropa nagiinuman dahil may masasamang balak. Hindi sila tropa kung iba ang intensyon nila sa iyo. Sila ay manyak at mapagsamantala. Siguraduhing mapapagkatiwalaan ang sasamahan sa inuman. Tunay silang tropa kung sa kabila ng sobrang pagkalasing mo ay nakauwe ka ng ligtas sa inyong bahay. Alam nila ang mga limitasyon nila kaya nagagwa nilang respetuhin ka. May respeto sa isa’t-isa ang tunay na tropa.

  1. Sa inuman hindi mawawala ang:
  • Umiiyak
  • Nagsusuka
  • Joker
  • Tahimik lang
  • Story teller
  • Tulog agad
  • Utusan
  • Tanggero\tanggera
  • Tagamix
  • Photographer
  • English speaking
  • Mahilig mamulutan
  • Palipat-lipat ng pwesto
  • Bangkero

Sila ang mga bumubuo ng samahan sa inuman. Kapag nawawala ang isa hindi ganoong kasaya katulad noong kumpleto sila. Kung mayroon kayong masaya at magandang tropa siguradong mapapansin niyo rin ang mga ito sa inyong inuman. Ang bawat isa ay may ibinibigay na kontribusyon sa inuman.

  1. “Pag tropa, tropa lang walang talo-talo.”

Tropa lang dapat walang talo-talo. Mayroon ibang tao na nakikipagkaibigan lang dahil may ibang intensyon lang. Hindi nila intensyong maging kapatid niyo sa hirap at ginhawa. Intensyon nilang may makuhang girlfriend o boyfriend sa tropa na kahit isa minsan dalawa. Maging maingat tayo sa pagtanggap ng mga bagong kaibigan. Ang tunay na tropa alam ang limitasyon ng bawat isa. Magmahal ng walang bahid, wag mahalin ang kapatid. Tropa sila at kapatid mo mapahirap man o saya.

  1. “Sabay-sabay nagkakamali, sabay-sabay ring natututo at itinatama ang mali.”

Walang taong perpekto. Magkakamali at magkakamali tayo anuman ang iwas at pigil natin dito. Pagkatapos ng mga pagkadapa at pagkakamali ay nasasaktan tayo. Hindi tayo matututo kung hindi tayo masasaktan. Ang mahalaga sa tropa kapag nagkamali sama-samang itinatama ito at natututo. Pagkatapos ng maraming pagkadapa dapat natututo tayong tumayo at magingat sa susunod. Mas lumalakas tayo kasabay ng maraming bakas ng pagkakamali. Magiging maganda ang samahan kung parehas nagmamature at nagdadamayan.

  1. “Tropa: Sila yung mga nawawala mong mga kapatid.”

Lahat na halos ng kwento natin sa buhay alam na nila. Parte na sila ng buhay mo. May mga pagkakataong bahay na rin nila ang bahay mo. Sila kasi ang mga nawawala nating mga kapatid. Kapatid natin sila hindi sa dugo at laman kundi sa puso, kaluluwa at isipan. Minsan mas mahal pa natin sila kaysa sarili nating pamilya. Ang tunay na tropa magkakapatid ang turingan at nagmamahalan. Dinadagdagan Niya ang maraming dahilan para maging masaya ka kaya’t ingatan mo sila at pahalagahan.

 

Thank you for visiting. Wait for more happy reminders for love. Please like us! And don’t forget to Visit Our Facebook Page Angsaya.com and Share! Thank You!

(Visited 9 times, 1 visits today)