Newest Spoken Poetry For 2018: Akin Ka Na Lang – Angsaya.com


“Akin ka na lang”
Paano nga ba babanggitin ng tama
Ang mga linya at salita
Paano nga ba titindig
Ng hindi nauutal at nanginginig
Paano ba maipapahatid
Tamang emosyon sa bawat pantig
Kinakabahan na ako
Pero dahil ang dalwang paa’y ngayon na’y nakatungtong
Kakayanin ko’to
Kahit ang tibok ng puso’y
Pabilis ng pabilis
At ang mga pawis ay nanlalamig
Pagbigkas ng tama’y ipipilit
Maipabatid lang sayo
Kaya pakinggan mo
Narito na ako sa enteblado
Habang nasa harap ng magulang mo
Matagal ko ng pinag-isipan ‘to
Kaya sana magustuhan mo
Habang suot ang barong ko
Ipaparamdam ko sayo
Kung gaano ka kamahal
Kung gaano katapang na ikaw ay panindigan
Kung gaanong ang puso’y seryoso sayo mahal
Ipinapangako na ikaw lang
Pero kailangan ko ng suporta mo
Kailangan ko ang kamay mo
Nananabik na ‘kong marinig ang payag mo
Kaya mahal,
Habang suot ang gown na pangarap mo
Pwede ko bang marinig ang
“Yes Father, I do” ?

 

– Anneca Mendez

(Visited 24 times, 1 visits today)