Nagnakaw si Juan at Pedro! – Pinoy Joke, Pinoy Tagalog Joke


Nagnakaw si Juan at Pedro!

Isang araw, may isang grocery ang ninakawan!

Nag-imbestiga ang mga pulis at ayon sa mga witness ay magkasama ang magkaibigang Juan at Pedro na nagnakaw.

Dinala sa presinto ang magkaibigan.

PULIS: Totoo bang kayo ang nagnakaw sa grocery?

JUAN: Hindi ah!!

PEDRO: Aminin na natin Juan.Totoo po sir pero pinilit lang po ako ni Juan!!

(Nagalit si Juan kay Pedro)

PULIS: Wala kaming pakialam kung pinilit lang o hindi ang pinaguusapan dito ay magkasama kayong nagnakaw. Ang parusa ninyo ay hahampasin kayo pareho ng dos por dos sa likod.

PEDRO: Bad trip, ang sakit nun!!

Juan: Gago ka kasi, umamin ka eh!

PULIS: Pero.. Dahil birthday ko ngayon, choice nyo kung ilang palo ang gagawin pero 10 na hampas ang minimum. May bonus pa, dahil feeling generous ako, bibigyan ko pa kayo ng isang kahilingan. Ang bawal lang ay ang humiling na walang palo.

PEDRO: Ako muna. Ang hiling ko ay 10 na hampas lang ang gagawin nyo sakin.

PULIS: Ano yung ikalawa mong kahilingan?

PEDRO: Lagyan nyo ng dalawang unan ang likod ko.

Sinunod ng pulis ang kanyang hiling at dahil may unan ang likod nya ay hindi masyadong nasaktan si Pedro.

PULIS: Ikaw naman Juan ano ang hiling mo at ilang palo?

JUAN: Chief, gusto kong hampasin nyo ako ng 1000 beses.

PEDRO: Hahahaha! bobo amputa!! Andami nun eh.

PULIS: Hmmmm… Sige, ano ang ikalawa mong kahilingan?

JUAN: Itali nyo si Pedro sa likod ko.

HAHAHAHAHAHH

(Visited 5,265 times, 2 visits today)
Pinoy Jokes, Pinoy Tagalog Jokes, Tagalog Jokes and tagged , , , . Bookmark the permalink.