Mga Lines Mo’to


Mga  Lines Mo’to

Hindi mawawala sa magkakaibigan yung lagi ka na lang babarahin sa mga sinasabi at ginagawa mo. Nakakainis rin minsan pero kalimitan nakakatawa at nakakagising sa katotohanan.

  1. “Mahal mo. Mahal ka ba?”

Pag mahal mo, mahal mo. Kung hindi ka naman mahal, wala ka ng magagawa lalo na kung may mahal na palang iba. Siguro medyo nahuli ka lang kaya naunahan ka o kaya hindi talaga ikaw ang para sa kanya. “Truth hurts”, ika nga nila. Masakit tanggapin lalo na at totoo. Totoong hindi ka niya mahal. Alam mo namang masaya na siya sa iba bakit pagpipilitan mo pa? Masasaktan ka lang naman lalo. Masakit na nga yung hindi ka niya mahal mas masakit pa kung ipagtulakan ka niya sa iba kasi hindi ikaw ang gusto niya. Mahal mo. Mahal ka ba? Kung mahal ka, swerte mo dahil may tutumbas na sa pagmamahal na kaya mong ibigay. Kung hindi ka naman mahal asahan mong iba yung sakit sa huli kapalit ng pagdedesisyon mong mahalin ang taong hindi ka naman kayang mahalin.

  1. “Nagseselos ka. Kayo ba?”

Selos nararamdaman yan kapag hindi ganong kalaki ang tiwala mo sa taong mahal mo. Nagseselos ka dahil baka makuha pa siya ng iba. Ang tanong kayo ba? Hindi naman kayo pero wagas makapagselos. Lalo na pag kayo na. Ilugar ang damdamin. Hindi kayo kaya walang maidudulot na maganda kung palagi kang magseselos. Kung kayo naman o magiging kayo na bawasan ang selos para mas healthy ang relationship.

  1. “Concern ka sa kanya. Concern din ba siya sa’yo?”

Nagiging concern tayo sa isang tao dahil mahalaga siya sa atin. Natatakot tayong masaktan siya o mapahamak dahil mahal natin sila. Masakit sa puso na concern ka sa kanya pero hindi naman siya concern sa’yo. Bakit? dahil may mahal siyang iba. Concern siya sa iba. Mahirap tanggapin pero humanap ka ng tao na kayang tumbasan ang pagmamahal o concern na kaya mong ibigay. Nakakalungkot man pero sa kabilang banda matatawa ka na lang sa sarili mo dahil sa desisyon mong maging concern sa taong hindi naman concern sa’yo. Swerte mo kung concern ka sa kanya at concern rin siya sa’yo. Huwag sayangin iyon sapagkat ang ibig sabihin lamang nito ay may gustong umagapay sa’yo lalong-lalo na sa mga oras na hindi mo na kaya.

  1. “Pinahiram mo. Binalik ba?”

Pinahiram mo. Binalik ba? Nakakalungkot kapag yung hindi mo pa nagagamit na damit nahiram na agad ng iba. Ang sakit na iningatan mo tapos sisirain lang nila. Yung nagmabuting loob ka na pahiramin sila tapos sila pa yung galit kapag ipapabalik mo na. Minsan wala ka na lang magawa kundi matawa dahil ikaw rin naman ang pumiling pahiramin siya. Parang sa pagibig lang hiniram ka lang nila nung una tapos nung huli inangkin ka na.

  1. “May inuman daw kayo. May pang ambag ka ba?”

Hindi mawawala sa magkakaibigan ang inuman. Lalong-lalo na kapag may kaarawan, tapos n aang exam, may problema atbp. Nakakatawang isipin na sasama ka sa inuman kahit alam mo sa sarili mo na wala ka ng pera. Ang mahalaga naman kasi sa tropa magkakasama sa hirap at ginhawa. Kaya isang yaya pa lang nila kahit walang pera oo na agad para makasama. May pangambag man o wala ang mahalaga maraming baon na kwento at magandang samahan.

(Visited 15 times, 3 visits today)