Kabataan Noon at Ngayon


Ang Kabataan Noon at Ngayon

Malaki ang pagkakaiba ng mga kabataan noon sa kabataan ngayon. Ang kabataan noon pinahahalagahan nila ang pag-aaral, gumagawa sila ng paraan upang sila ay makapagtapos, noon wala pang teknolohiya katulad ng telebisyon, computer at telopono o cellphone. Sa tuwing gagawa sila ng takdang-aralin kailangan pa nilang magbasa ng mga isang damukal na libro para lang makagawa ng takdang aralin at sa tuwing may gustong kamustahin malayong lugar kailangan mo pang magsulat at ipadala sa mail box upang malaman ang kalagayan. At sa panliligaw din may pagkakaiba, kapag manliligaw ka noon kailangan mangharana ka, magbibigay ng tsokolate at bulaklak, at hindi lang ang dalaga ang liligawan, pati na rin ang kalolo-lolo-han ng dalaga liligawan din, daig pa ang pamamanhikan. Anu? At ang kabataan noon ang mga kabataan mga ala sais pa lang palubog ang araw nasa loob na ng bahay ang mga kababaihan. Noon din ang kababaihan noon malapilipinyana at mahinhin .Gayundin ang mga kalalakihan noon maginoo marunong rumespeto at gumalang ng kababaihan. Ito naman ang mga kabataan ngayon sa edukasyon nandyan na ang lahat, may pera na ayaw pa rin pagbutihin ang pag-aaral at nakuha pang magbulakbol at maglakwatsa, napapadali na ang mga bagay bagay dahil sa teknolohiya. Sa henerasyon natin ngayon mayroon ng computer , telebisyon at telepono o cellphone. Sa tuwing gagawa ng takdang aralin hindi ka na magbabasa ng madaming libro dahil mayroon ng computer ‘GOOGLE’ COPY+PASTE= TAKDANG ARALIN OHA!!. At kapag gustong mangamusta sa malayong lugar nandyan ang telepono o cellphone, kahit nga sa computer puwede. At sa panliligaw naman hindi na kailangan ligawan ang ka-lolo-lolohan ng dilag at hindi na rin kailangan ang tsokolate at bulaklak, dahil ngayon ang panliligaw HANAP,USAP,DEAL.Oh! , di ba napabilis na.

Ngayon na alam na natin ang pagkakaiba ng mga kabataan noon at ngayon sana’y maging silbing aral ang mga ito sa atin. Bago ko tapusin ito may iiwan lang akong katagang “Ang maling ginagawa ng matanda ay nagiging tama sa mata ng bata”. Kaya mga magulang, lolo, lola, tita, tito, kuya, ate , atpb. Kayo dapat ang maging mabuting ehemplo na magpapakita ng magandang aral at asal sa mga kabataan sa susunod na henerasyon. Tuparin ang sinabi ng ating pambansang bayani. KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN , HINDI MAN SA NGAYON, MALAY NATIN SA SUSUNOD NA HENERASYON. KILOS KABATAAN !!!

Thanks for visiting  angsaya.com. Hope you enjoyed reading our quotes! Please like and share- Thanks!

(Visited 213 times, 1 visits today)