FIVE FUNNY CONVERSATIONS WITH YOUR FRIENDS


Minsan mayroon tayong mga paguusap kasama ang ating mga kaibigan na bahagyang ikakainis mo sa una ngunit nakakatawa kapag lumaon na. Yung mapapatawa ka na lang dahil kaibigan mo sila. Ito ay ilan sa mga conversations na siguradong makakarealate ka.

  1. Sila: “Kamusta?”

Ako: “Okay lang ako.”

Yung alam mo namang hindi siya okay pero magtatanong ka pa kung okay. Pagkatapos madapa o masugatan ng kaibigan mo tatanungin mo pa pagkatapos kung masakit. Maraming ibig sabihin ang mga salitang “Okay lang ako.”  Pwedeng hindi na pala niya kaya, kailangan na niya ng karamay, kakayanin pa niya at marami pang iba.  Parte na ng tao ang magkunwari.  Ipinapakitang masaya pero hindi pala. Sinasabing okay lang pero hindi naman talaga. Iniisip na kaya pa pero darating oras na hindi na.

  1. Sila: “Beh? Pahiram nito ha. Please. Thank you!”

Ako: “Ahm.. Sge basta ingatan mo ha.”

 

Naranasan mo na bang manghiram? O magpahiram? Aminin man natin o hindi kahit ipakita natin sa iba na taos sa puso natin ang pahiramin sila may parte pa rin sa ating sarili na gustong magdamot.  Bakit? Yung hiniram nila ng maayos ibabalik na parang hindi na pwedeng gamitin ulit.  Pag ipapaalala mong ibalik yung hiniram nila, sila pa minsan yung galit.  Minsan naman kung hindi mo pa banggitin sa kanila yung hiniram nila hindi na ibabalik.  Ang nakakatawa pa ay sasabihin pa sa unang nahihiya silang manghiram kaya pala nahihiya na rin silang magbalik. Masayang manghiram, minsan nakakadala na ring magpahiram.

  1. Sila: “Hoy! Pahingi naman papel. Bilis at magsisimula na ang quiz”

Ako: “Wait ha nakakahiya naman sa’yo”

 

Kahit man lang sana may kasamang lambing habang humihingi kaso sila pa yung galit.  Wala kang magawa kundi magbigay dahil masasabihan ka naman ng madamot.  Kung sobra-sobra kasi yung meron ka matututo kang magbigay sa ibang walang-wala na.  Kung ang taong humihingi naman ay mas galit pa sa iyo diba’t nakakainis magbigay.

  1. Sila: “Pre? Paconnect naman sa wifi may kailangan lang akong i-search.”

Ako: “Wait. Oh pre, mabagal wifi ha. (sabay bigay ng password)

(7 hours later…)

Ako: “Pre? Nasearch mo na ba kailangan mong i-search? Hina kasi ng net may                           kailangan akong idownload.”

Siya: “Di pa e, sandali na lang to.”

 

Yung pagsabi mo pa lang na mabagal yung wifi dapat mahihiya na siya nun kaso hindi.  Sasabihing may kaialngan lang i-search pero ginawa ng tambayan yung bahay niyo kasi nagmomobile legend na pala.  Galit pa pag inistorobo mo.  Wala ka ng  magawa kundi magtimpi kasi kaibigan mo siya kahit hindi ka na makapag download ng kailangan mong idownload para sa mga assignments mo.

  1. Siya: “May isasama lang akong kaibigan mamaya ha”

Ako: “Sige sige. Kitakits mamaya!”

(Sa inuman session..)

Ako: “Siya na yung di nagamabag nagdala pa ng panibagong ubos pulutan!”

 

Hindi mawawala sa buhay ng ibang kabataan ang maginuman.  Mayroong mga gustong-gusto laging maginom pero wala namang pera.  Umaasa sa ambag ng iba.  Sila na nga yung walang ambag, sila pa yung madaming mamulutan. Akala nila picnic yung pinuntahan nila.  Ang mas malalala pa, magdadala pa ng iba para may karamay siya sa katakawan niya.  Hindi mawawala ang mga ganyan sa inuman. Ang mahalaga may naambag naman silang mga kwento na makakapagpatatag pa sa pagkakaibigan nila.

(Visited 39 times, 4 visits today)