10 Uri ng Facebook Users


Sa panahon ngayon ng mga millenials hinding-hindi mawawala ang iba’t-ibang social media accounts sa mga ito. Isa na dito ang facebook na halos araw-araw ay binibisita ng mga users. Marami tayong mapapansin sa mga friends natin habang tumatagal tayo sa paggamit ng Facebook at ito ay ilan sa mga uri ng Facebook users na maaari ninyong makasalamuha.

1. Hakot Friends Awardee


Likas nq ang pagiging palakaibigan nating mga Pinoy. Sigurado ako na may mga kilala kayong isang tao na akala mo ay mauubusan ng kaibigan sa Facebook. Sila yung icoconfirm kahit sinong magfriend request sa kanila para dumami ang likers at friends. Mayroon namang mag a-add friend ng napakaraming tao kahit di na nila kilala para lang dumami ang friends. Sila ang mga tao na pwede ng bigyan ng Hakot Friends Award.

2. Simpleng Liker
Hinding-hindi naman mawawala sa mga user na ito ang mga Simpleng Liker. Sila yung mauubos ang oras sa maghapon kakalike, share at scroll ng mga post sa newsfeed. Malaki ang naitutulong nila sa mga taong mahigpit na nangangailangan ng likes sa mga post nila. Sila yung mga kalimitang pacomment-comment lang sa mga post mo at pwede mong i-recommend sa mga friends mo na i-add friend para dagdag sa mga likers. Simpleng liker man sila maaaring wala lang talaga silang maganda at maayos na maipost kaya pinipili na lamang nilang manahimik at maglike ng post ng iba.

3. Pafamous


Isa ito sa mga nakakagigil na user na pwede ninyong maencounter sa Facebook. Sila yung mga biglang magpo-post ng “Comment your name. Like ko dp mo.” At eto pa, sila yung mga akala mo may humihingi lagi ng updates tungkol sa kanila kung makapagpost ng makapagpost ng pictures at updates kahit di na naman kailangang ipost. Sabagay may karapatan naman silang sabihin kung anong gusto nila pero minsan hindi na rin maganda ang impact sa iba. Diba? Pero dahil mabait tayo respetuhin na lang natin sila.

4. Open minded
Sila yung bigla na lang magme-message sa inyo ng, “Gusto mo bang kumita ng malaking pera?”. Minsan pang tatanungin ka kung “open minded ka ba?”. Napakagaling nilang manghikayat ng mga kapwa nila open minded. Sila yung may mga dp na may mga hawak na maraming pera na minsan nakatakip pa sa bibig. Hindi ba nila alam na madumu ang pera kaya huwag uugaliing ilagay sa bibig. Pero by the way ito ang paraan nila upang kumita ng pera. Dito sila nabubuhay at dito nanggagaling ang kanilang ipinambubuhay sa sarili nila o sa mga mahal nila sa buhay. Sa kabilang banda minsan ibang tao na rin lang ang gumagawa ng mga ikasisira ng mga sarili nila. Ang ibig sabihin nito ay hindi nila minsan naiisip ang magiging impact ng mga pinapakialaman at pinapasok nilang mga nananahimik na buhay. May mga pagkakataon kasi na mga scam lamang ang ibang mga ganyan pero hindi naman lahat. Maniwala pa rin tayo na ang pagiging open minded at optimistic ay makakapagpaganda ng ating buhay.

5. Anime Lover
Sila yung mga Facebook user na hindi mo na makilala dahil lahat na lamang ng photos, dp, cover at mga post ay tungkol na lamang lahat sa anime. Yung magugulat ka na lamang na mat nagcomment sa picture mo na anime. Mahal na mahal nila ang mga anime characters na ginagamit nilang dp sa Facebook nila. Mayroong iba na baka hanggang paglaki nila ay anime na lamang ang magiging theme ng Facebook nila.

6. Landi Awardee


Nako, nako, nako. Hinding-hindi mawawala sa mga Facebook user ang pwede ng awardan ng Landi Award. Ang mga Landi Awardee ay mga taong walang magawa sa buhay kundi maglandi. Maaaring ito ang paraan nila upang makahakot ng mga likers o ng mga kalandian. Sila yung iba-ibang lalaki o babae na lamang ang drinamahan sa Facebook. Napakahirap pagbaguhin ng mga yan pero darating ang panahon na marerealize din nila hindi na tama ang ginagawa nila. Iba kasi ang malandi sa friendly. Kung may makilala kayong mga ganyan na galit pa sa inyo kapag pinagsabihan niyo hayaan niyo na lang dun na lang ata sila masaya.

7. Jejemon
Nakakatawa na nakakainis ang mga Jejemon na Facebook user. Maaari mo rin silang tawagin na mga Dakilang Manunulat ng Egypt. Yung kulang na lang aminin nila na sila ang sumulat ng mga sulat sa ding-ding ng pyramid sa Egypt. May mga pagkakataon sa isang araw na gustong-gusto mong magbabad sa Facebook dahil wala kang ibang magawa o bad trip sa sa paligid mo ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay makakabasa ka ng mga salitang maaaring ibang uri ng nilalang lamang ang makakabasa. Nakakagigil diba kapag pinahihirapan ka pang basahin kung ano ang lamang ng post nila. At dahil mabait ka binigyan mo na lang ng like para naman maisip nila na may nakaka appreciate ng mga sinabi nila. Sabi nga ng matatanda, “Hayaan mo na lang, ikaw ang mas nakakaintindi ng sitwasyon.”

8. K-Pop Lover
Kung may mga Anime lover hindi magpapatalo ang mga K-Pop lover. Sila yung mga taong akala mo ay mga koreano at koreana na rin dahil sa mga suot nila. Yung akala mo mga hindi na marunong magsalita sa Tagalog dahil puro anyeong na lamang ang sinasabi. Kinain na sila ng sistema ng K-Pop. Ito ang nagpapatunay na kahit di tayo literal na sakupin ng Korea sinakop na talaga agad nila ang mga isip ng ibang mga Pinoy. Hindi naman masamang magidolo ng mga sikat na tao basta wag lang paparatingin sa punto na sila na ang buhay mo.

9. Rich kid kuno


Sila ay uri ng tao na may kakayahang magkaroon ng mga nakakasilaw at nakakamanghang mga kagamitan at kasuotan kahit wala ng pera. Maaaring hiniram o pinagipunam kahit may mas mahalaga pang kailangang bilhin dahil sa hirap ng buhay. Rick kid kuno o mas kilala sa tawag na, “ Pa RK”. Sila yung makikitahan mo lagi ng post na akala mo sa kanya lahat ng suot niya pero hiram lang naman pala. Nakakaawa naman ang taong pinanggagalingan ng pera nila dahil hindi sila marunong gumamit ng pera sa tamang paraan. Kung darating ang panahon na yayaman ang isang tao yayaman yan pero kung hindi man yayaman pa rin yan. Maraming dahilan ng mga kayaman na minsan hindi lamang nabibigyan ng pansin ng karamihan.

10. Selfie Lord
Sila yung mga taong pare-perehas lang naman ang pose sa mga picture pero dahil sa dami ng mga picture na iyon makakabuo ka ng isang album na iisa lamang ang pose. Mayroon ding mga Lord talaga pag dating sa selfie dahil kahit hindi HD ang picture todo post pa rin para sa mga liker. Pwede na rin silang ihalintulad sa mga Pa Famous pero ang mga Selfie Lord naman ay puro pictures lang nila ang gustong ipangpaumay sa masa.

 

Iba-iba man sila katulad rin nila tayo na isang tao. Mahalaga pa rin ang respeto sa isa’t-isa at tamang paggamit ng Facebook.

Thank you for visiting.

Please Like and Share for more.

(Visited 13 times, 1 visits today)